LP: Pula (Red)


Matagal din kaming naghabulan ng anak ko sa play area ng McDonalds North Ave corner Mindanao Ave, Quezon City. Isang paa at kapirasong parte ng pulang palda nalang ang nahuli ng aking kamera bago siya humaripas ng takbo pataas sa loob ng pulang slide na ito. Ah, ito na ang simula ng aking paghabol sa mabilis na paglaki ni ST na ngayon ay tatlong taon gulang na. Sana maabutan ko siya lagi. Sa pagkakataong ito, inabot ako ng halos isang oras bago ko nakumbinsing bumaba ang malikot kong si ST. Nakaka-inis... nakakatawang alalahanin.

It took a while before I caught my daughter in the play area of McDonalds North Ave corner Mindanao Ave, Quezon City. My camera only got a shot of her foot and a portion of her red skirt just before her ultimate escape towards this red slide and upwards. Sigh. This is now the beginning of my "running" to catch up with my fast growing ST who is now three years old. I hope I could always catch up on her. In this instance (shown in the picture), it took almost an hour before I successfully convinced my restless ST to go down. Irritating... yet, so funny to remember.

3 Hearts who chimed in:

agent112778 said...

grabe ang tagal kong inisip kung ano ang litrato nyo :)) kung di ko pa babasasin di ko pa malalaman. ang unang tinin ko kasi ay may laruan(toy) sa loob ng timba =))

eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Anonymous said...

Nasa malikot na stage na sya, naku mommy lagi kang maeexercise tuloy (^0^)

Happy LP and have a great weekend!

Joe Narvaez said...

Galing ng kuha mo ah. Sa unang tingin, akala ko toilet bowl na pula hehe. Ayus sa concept!

Post a Comment

"But we have this treasure in jars of clay to show that this all-surpassing power is from God and not from us." 2 Corinthians 4:7
Feel free to chime in and fill up my jars of clay. Thank you for caring enough to share your blessings. I humbly accept them. Shalom!