LP: AKO (o parte ko)

Theme: ME (or a part of me)
This is the baptistry located on the stage of our Worship Hall in our church, Capitol City Baptist Church. I was not baptized here, but most of our church members were immersed here after declaring their faith on and alliance to the Lord Jesus Christ. I posted this because my faith to God is not just a part of me but the core of me. Without my renewed life in Christ, everything I have now are just earth-bound. My life, my family, my relationships, and my few earthly possessions will not have eternal meaning if not for the new life I have in Christ. I love this part of our church. The empty cross reminds me that my Lord is a resurrected God, and very much involved in my daily life. Whenever I stand in front of it to sing, pray, listen to the Word through our pastor or partake of the communion elements, the sight never fails to give me peace and assurance that He is near. His presence silence any turmoil within. Jesus' cross was definitely unsmoothened or unshaped not like the one hanging on our baptistry, but this symbol helps me jump-start my imagination of Jesus of the Bible.
Thank you for the cross, the mighty cross
That God Himself should die for such as I
And everyday we're changed
Into your image more and more
Yes, by the cross we've truly been transformed

"...the message of the cross is foolishness to those who are perishing, but to us who are saved it is the power of God." 1 Corinthians 1:18
Litratong Pinoy [Filipino Pictures]
This is a Philippines-based meme on the net for all Filipino photography enthusiasts and "wannabes" like me. I am excited to join the rest of the professionals and the avid members in their Tuesday participation. Here is my courageous, first post however late it is. Special thanks to my friend Roselle of REFLEXES for the encouragement.

-------------------o0o-------------------

Theme: AKO (o parte ko)
Ito ang baptistry na nakaluklok sa entablado ng Worship Hall ng aming simbahan, Capitol City Baptist Church. Hindi ako nabinyagan dito, ngunit karamihan sa aming mga miyembro ay dito nilublob makatapos nilang ihayag ang kanilang pananampalataya at pakikisapi sa Dios Jesus Kristo. Ito ang aking napili pagkat and aking pananampalataya sa Dios ay hindi lamang isa sa mga bahagi ng aking pagkatao, bagkos ay aking kabuuan. Kung hindi dahil sa aking binagong buhay kay Kristo, lahat ng mayroon ako ay pahanggang dito lamang sa mundo. Ang buhay ko, pamilya, mga relasyon at maging ang kaunting panlupang ari-arian ay walang eternal na kahulugan kung di dahil sa aking bagong buhay kay Kristo.
Mahal sa akin ang parte ng simbahan na ito. Ang krus na walang laman ay nagpapa-alala sa akin na ang Dios ko ay buhay at nananatiling buhay sa aking pang-araw-araw na buhay. Kapag ako ay natatayo kaharap itong entablado upang umawit, manalangin, makinig sa Salita sa pamamagitan ng aming pastor o tuwing tatanggap ng mga elemonto ng komunyon, nagkakaroon ako ng kapayapaan at napapa-alalahanang nandito't kampiling ko Siya. Ang Kanyang presensya ay nagdudulot ng katahimikan sa aking kalooban. Ang tunay na krus ni Jesus ay hindi man nakatam o na-ihugis ng maganda gaya ng nakasabit sa aming baptistry, ngunit ang simbolong ito ay nakakatulong sa aking imahinasyon sa Jesus ng Biblia.
Salamat O Jesus sa Iyong krus
At Ikaw na Dios ay namatay para sa'kin
At ang lahat ng araw ko'y
Hinuhubog sa wangis Mo
Dahil sa krus, ako'y tunay na nagbago.

"...ang mensahe ng krus ay kahangalan sa kanilang patungo sa kamatayan, ngunit sa mga ligtas ito ay kapangyarihan sa Diyos." 1 Corinto 1:18
Litratong Pinoy [LP]
Ang Litratong Pinoy ay isang meme sa net mula sa bansang Pilipinas para sa lahat ng mga Pilipinong nahihilig sa potograpiya at mga "wannabes" na gaya ko. ako ay excited na makasama ang lahat ng mga propesyonal at mga masusugit na myembro sa kada Martes na paglahok. Ito ang aking unang matapang na pag-post, kahit medyo huli na. Isang natatanging pasasalamat kay Roselle ng REFLEXES sa kanyang encouragement.

4 Hearts who chimed in:

Anonymous said...

na miss ko ang CCBC, kayo at ang krus na iyan...dyan na nga ako nagkamalay eh. salamat sa Diyos na nagmahal sa aming pamilya, kumupkop at nagligtas. masasabi kong parte ko na rin ito at ang kanyang simbolismo.

i belong to HIM to Christ...

welcome to LP...pero mare next week balik Thursday na ulit ito. nagkataon lang na papauwi sa Pilipinas si Bb. LP at Huwebes ang kanyang lipad.

Denise said...

So very precious.

Anonymous said...

you have a nice site here... happy LP... :)

Anonymous said...

i admire how you value your fith so much :)

ang ganda ng lahok mo :)

Post a Comment

"But we have this treasure in jars of clay to show that this all-surpassing power is from God and not from us." 2 Corinthians 4:7
Feel free to chime in and fill up my jars of clay. Thank you for caring enough to share your blessings. I humbly accept them. Shalom!